04 December 2012

Rayala Dialogues: Mercy Molina Episode

No, Ate Maritess' full name is not Mercy Molina. In our colorful world of bekiness, a helper/maid/nanny can be called Mercy Molina, Mayla Gumila, Yaya Medel or a better term --- ANGEL. And I'm giving my angel a space in my blog because she deserves it! For sure after this post, you will all like her. Basta, don't pirate ha. :)

Last Sunday, I was feeling unwell and asked her to massage my back while watching The Buzz. Ang bagets, busy sa toys niya. The topic was about Julia Barretto, Marjorie Barretto's beautiful daughter. At nauwi kami sa usapang Barretto sisters.
Ate Maritess (AM): Ang ganda ni Julia. Anak nila ni ...
B: Dennis Padilla
AM: Buti nalahian ni Marjorie (Judgmental si ateng!)
B: Younger Claudine nga eh.
AM: Hindi naman mabait si Claudine ,di ba? (Anong konek, teh?)
B: Siguro, nakaaway si Angel Locsin at Angelica.
AM: Tsaka yung sa erport, si MON DOLPO.
B: Ha? Hahahahahaha!
Parang nabiyak ang lupa at lalamunin ako sa kakatawa. Napaka-judgmental mo teh, pero hindi mo kilala ang nakaaway ni Claudine sa erpooooooort??? 


~ ♥ ~

Eto pang isa. Bet na bet ni LB ang pagdance-dance nila ng tambourine para sa Christmas presentation for the school. I even downloaded three versions of its mp3 file, pero ayaw ng bagets lahat ng version. She'd rather let me sing it. So I Googled its lyrics! Bilib na bilib siya eh. By the way, habang na-invade na ni LB ang laptop para sa kanyang daily Y8.com ritual, kinuha ko ang tiny toy tambourine niya at pinakitaan ko si AM ng mga da moves ko. I used to be a member of our Dance Ministry in the church. U-huh, sumasayaw ako since 3rd grade. Talentado kuno. :)
B: Eto, covenant ang tawag dito. Hinahagis pa nga ang tambourine. (Sabay ikot)
AM: (nganga)
B: Love naman ang tawag dito. Kasi magfo-form ng heart. (hinihingal na ang hikain)
AM: Dapat pala Ma'am ... nag-MARYONET ka.
B: Anong maryonet??
AM: Yung sa iskul, yung sa parada.
Pak! See, I love her na. Sabi ko talaga sa kanya na iba-blog ko siya. And she was so shy about it. Baka daw mabasa ng mga friends niya sa Facebook. Kaloka! :)

7 comments:

  1. Hahaha! I love reading your blog. You make me laugh alone! And sometimes my husband thinks i'm crazy coz i'm laughing infront of the screen!

    ReplyDelete
  2. ahahahah..mukhang lab ko na din c ate maritess!! :))
    katuwa nmn sya
    dami ko tawa d2 habang binabasa ko :)

    ReplyDelete
  3. Girls, she corrected me kanina. MAYNORET daw. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Kinorek ni teh, fail pa din. ^_^

      Delete
  4. hahahaha hang dami kong tawa, pati baby ngtaka bakit ako tawa ng tawa :D ...sana si mon dolpo n lang ng maryonet ay maynoret pala hehehe.

    ReplyDelete
  5. hahaha! bentang-benta ang maryonet ni ate maritess! :D

    ReplyDelete