08 December 2012

Update: Back to Square One

Oh, I miss blogging! This is by far, the most bad trip experience I had with Smart Communications, Inc. I called them up around five times already for what, 3 days, and they still haven’t fixed my internet connection. Super duper kairita. Tapos etong Mercy Molina, sumabay pa! Wala na daw siyang career growth sa akin kaya nagpaalam na. Greener pasture daw. Akala mo maga-abroad, yun pala sa Alabang lang. Hmp. Palibhasa nagka-exposure na sa blog ko, kaya lumaki na ulo. Ayun, iniyakan siya ng bagets nang ma-realize na aalis na siya. Okay, samakatuwid, bonggang DH na naman ang peg ko. Mailabas nga ang nag-iisang Charles & Keith habang naglalaba. Chos. 
So … what’s up nga? Na-miss niyo ba ako kahit slight? Ay naku, ako, miss na miss ko ‘tong pink cyber world ko. Naiyak nga ako sa pagkapikon ko sa internet eh. Ang dami kong kwento at reviews at giveaways na gusto i-share sa inyo. And Smart was taking that away from all of us! Boo. Anyway, eto makakalipat na kami sa aming kingdom! Sa wakas. 


Kating-kati na ako mag-ayos pero naisip ko one at a time. Dami pang kulang. Parang bagong nagsasama ulit. Yung mga dati naming gamit, waley na. Retired na sila. Quick mental note ko nga, di baleng mahal basta dekalidad. Tsaka mag-isa lang ako mga mudrabelles! Hindi mautusan ang bagets magempake ng toys niya. Kesyo “I can’t do it, Nanay! I’m too small.” Wow ‘nak, Thumbelina para hindi makapagligpit ng toys pero parang ogre lang manggulo? Yung totoo, mana ka sa Tatay mo, ano? Hahaha! Infer sa pudra niya ha, okay lang sa kanya na sa araw ng 2nd wedding anniversary namin kami maglilipat. Speaking of jowa, I will have the 3rd installment of the When Rhambo Met Bebeng series very, very soon. At may umaapila sa pagkakwento ko sa part 2 eh. Mali DAW mga teh. Echuserong palakang sundalo, ngengeelam. Itago na lang natin siya sa pangalang Rhambo. Haha! Mwah mwah tsup tsup!

Osha, back to being the master packer that I am. Laters, gels. ♥ 

P.S. 
Bet niyo bang mamigay ako ngayon kasi na-miss niyo ko? ;)

1 comment:

  1. kya pla wala update sa fan page Mommy Bebeng! nakakamiss.. wala ako ma-like at comment.. d bale kapag ok na kau sa new kingdom nyo at christmas season.. overload mo kmi sa chikas :) tek ker!

    ReplyDelete