14 December 2012

Is Cookie-Stealing a Ground for Annulment?

'Di ba I said in my Facebook fan page that this whole blogging thing will be on hiatus for a short while, since Sophia's still in the hospital and that we'll be spending the holidays in the camp in a few days? No. Hindi pwedeng paghintayin 'tong post na 'to. You all deserve to know about this. 

Dahil nga the bagets is in the hospital, she has daily rasyon of food three times a day. Hindi niya bet that rasyon of food. Kaya kami ng pudra niya ang kumakain nito - along with some food bought outside by no less than the person I want to be annulled to. Bakit nga ba? Kasi ganito yun.

source
Today, ang food for lunch ng pasyente namin ay bistek, ginisang togue at may kasamang DALAWANG PIRASONG chocolate crinkle cookies. Binilhan niya ako ng bulalo, sa kanya na daw ang bistek. Siya ang nagtakda ng tadhana ng sikmura ko. Hanep no? Hindi na ako tinanong. Nung matapos na siya kumain, huhugot ng Stik-O, sabi ko "eto oh, meron nito". Tinuro ko ang chocolate crinkles. Ang sweet ko di ba? :)

Nang matapos na akong kumain, nagulat ako pagkakita ko sa food tray... WALA NA ANG ISANG CHOCOLATE CRINKLE! Dahil mag-asawa kami, inisip ko na tig-isa kami. Magkasama kami sa hirap man o sa sarap. Iisa na lang apelyido namin. Sabay kaming nagpupuyat sa pagbabantay sa anak namin dito sa ospital. Pero sinolo niya ang chocolate crinkles. Nakapanlulugmok na katotohanan. Dahil diyan...

I want an annulment! 
Nasaan ang mga abugado kooooooo?!

7 comments:

  1. Hahaha! Kalurkey ka Nanay B! Akala ko seryosohang annulment ito!

    ReplyDelete
  2. gusto mo ng abogado? may kilala ako...lol! =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Kilala ko din ata yang abogado mo. :)

      Delete
  3. Ladies, okay na. Nakipag-areglo na siya. Pinasalubungan ako ng isang jar may kasama pang half roll ng chocolate cake. :)

    ReplyDelete
  4. dahil jan napabili ako ng sarili kong crinkles. hehe

    ReplyDelete